PROPOSAL FOR SHORT FILM
TITLE: Singko Sentimos
INTRODUCTION:
This story is all about the life of the two children which are under controlled by a one person who doesn’t experience to enter in school and doesn’t encountered to loved and guide by his parents. Since he is young until he grows up, his life never been change. Singko Sentimos is the title of this short film because it’s symbolized the kind of experience of two children who are living on the indecent areas without the proper guidance of their family. Their condition is the same with single cents which is controlled and manipulated by one person who owned. It shows the real life without freedom, that instead of going school and motivated by a right guidance, but then at the young age they are already engaged to the wrong and pity situation.
RUNNING TIME:
The running time of this short film is fifteen minutes.
TARGET AUDIENCE:
The target audiences of the short film are the teenagers who can relate and understand the situation that happen on the flow of the story which involves the reality of life today. They must need to be aware and be concerned not only for themselves but for the concern of others. And also the parents, just for them to be informed to avoid or even lessen the wrong practice of a certain people that intentionally manipulated the innocent mind of the children.
FORMAT:
The format of this short film is through video format.
CONCEPT OBJECTIVES:
A).Teenagers not really satisfied to all the things that they have, but this short film makes them realized that they are more blessed than the others and make them to value everything like piso.
B.) It shows and signifies the role and importance of piso to every individual who experienced the difficulties and that small value of money make them to survive.
C.)It awakes the emotion and mind of the parents to cared, protect, and give their attention to their children.
D.)And also this film gives hope for everybody to change for the better before the end of everything.
KEY MESSAGE “THEME”
Everybody have the chance to change their life for the better with peace and contentment to all the things that they valued and loved. Anybody can commit mistakes because we are not perfect, but at the end of the day, somebody makes us realized and make our self feel such emotion like love to choose between the right and wrong. Each of us can do everything for the sake of the others especially for the people they loved.
SINGKO SENTIMOS
CHARACTERS
GARDO: 25 YEARS OLD. LALAKI. PANGANAY.
MAGNANAKAW.WALANG PINAGARALAN
XANDER: 7 YEARS OLD. LALAKI. BUNSONG KAPATID.
NAMAMALIMUS SA KALYE.DI NAKAKAPAG-ARAL
KIKOY : 4 YEARS OLD. LALAKI.NAKABABATA SA
LAHAT.NAMAMALIMOS.SAKITIN
LUZ: 40 YEARS OLD. INA NINA
GARDO.PULUBI.BALIW.
ANNIE: 23 YEARS OLD.BABAE.MATULU-
NGIN SA MGA BATA. MAGUGUSTUHAN NI GARDO
KEVIN: PALILIMUSAN NG MGA BATA.ORDINARYONG
TAO NGUNIT MARAMOT.
CARINA: KAIBIGAN NI EXTRA 1.PAREHO ANG UGALI.
EXTRA 3: PAGNANAKAWAN NI GARDO
EXTRA 4: MAGIGING DAAN SA PAGPAPANIMULA NG
ISTORYA
SCENE I: KALSADA. TANGHALI.
MEDIUM SHOT
Abalang kumukuha ng barya sa kanyang wallet ang isang babae habang naglalakad.
Cut to:
EXTREME WIDESHOT
Nalaglag ang maraming PISO sa kanya at hinabol ng tingin.
Cut to:
CUT-IN-SHOT:
Ipopokus ang piso
Cut to:
WIDE SHOT:
May kakalabit na bata sa kanyang likod.
Cut to:
MEDIUM TOP SHOT:
Lilingun siya at makikita ang kamay na nakalahad sa kanya ng batang namamalimos.
Cut to:
EXTRME WIDESHOT:
Kukuwanin niya ang pisong nalaglag at sya niya itong ibibigay sa bata.
SCENE II:
Timeline: SINGKO SENTIMOS
SCENE III: SA BAHAY.INT.UMAGA
EXTREME WIDE SHOT:
Si Gardo magbubuklat ng nakatakip na pinggan sa lamesa ,Makikitang walang lamang pagkain ang pinggan.
Cut to:
MEDIUM CLOSE –UP DOWN SHOT:
Galit na galit na tatawagin nya ang dalawand bubwit na kapatid.
Cut to:
MEDIUM CENTER SHOT:
GARDO:
Xander! Kikoy...
Lalapit ang dalawang nahintakutang mga bata.
GARDO:
Bakit walang pagkain? nasan ang perang napalimusan nyo kahapon ?
( matamang nakatingin sa magkapatid )
Cut to:
CLOSE-UP SHOT:
Ipapakita ang mukha ng dalawang bata na sisinghot-singhot at medyo nanginginig ang labi
Cut to:
MEDIUM DOWN SHOT:
XANDER:
Eh di ba kuya ibinigay na namin sa inyo khpon…pinabili nyo pa nga po kami ng siga…
(Di pa natatapos magsalita si Xander ay pinutol na ito ni gardo)
Cut to:
MEDIUM SHOT:
GARDO:
O sya,sya…eh anu pang hinihintay nyo..sikat na ang araw gawin nyo na ang trabaho nyo…bilis..
Cut to:
EXTREME WIDE SHOT:
( mabilis na kumilos ang dalawang bata at kinuwa ang kalawanging lata para sa palilimos nila)
SCENE IV: SA KALYE. TANGHALI.
MEDIUM WIDE SHOT:
Nakatingin ang dalawang bata sa dalawang kustomer na kumakain. Bitbit ang mga lata na ni piso ay wala pang laman
CARINA:
Oy, bakla tingnan mo buntis na naman yung babaeng yun oh…sinu na naman kaya ang tatay nun.. kahit baliw pinatos…
( habang iningunguso ang babaeng nakaupo at tila baliw na maraming dala na kung anu-ano)
KEVN:
Makialam ba ng buhay ng may buhay…abogado ka te?
SCENE V. SA KANTO.TANGHALI.
EXTREME WIDESHOT:
XANDER:
Ale penge po kahit piso lang kahit pambili lang po ng fisball,,,sige na po…
( habang akay nya ang kanyang kapatid na sakitin )
Napadaan si Annie ,hawak ang supot ng tinapay lumapit sya sa dalawang bata at ibinigay ang dala..tuwang-tuwa na nagtatalon ang mga ito.
SCENE VI: SA JEEP.TANGHALI.
LONG SHOT:
Nakasakay si Gardo…nasa front sit naman si Annie.
Cut to:
CUT –IN-SHOT:
Kinukuha niya ang wallet ng katabing pasahero ng di nito namamalayan…
Cut to:
WIDE SHOT:
GARDO:
Mama sa tabi lang…
( bumaba na ng jeep si Gardo pagkatapos pasimpleng sumipol at di kalayuan binilang ang perang nakuha )
INSERT
Iniwanan nya ng isandaang piso ang ale..para pamasahe nito.
Cut BACK to:
Nilapitan nya ang babaeng wala sa katinuan at binigyan ng pagkain
SCENE VI: COMPUTER SHOP.EXT. GABI.
WIDE SHOT:
Matiyagang nagaabang sa labas ng computer shop si Xander. Hinihintay niya na maglabasan ang mga tao dito upang mapalimusan.Sa gilid nakasandal si GARDO at minamanmanan ang bawat kilos ng bata.
Dadaan ang dalawang magkaibigan na kumakain ng French fries.Lalapit ang bata.
Cut to:
MEDIUM SHOT:
Hihilahin ni Xander ang damit ng bakla
Xander:
Kuya penge.... CUT TO:
EXTREME WIDE SHOT:
Magugulat ang bakla…
KEVIN:
Oh..hayan nawalan na ako ng gana..girl tara na.. ( iritang-irita )
Lalapit si Gardo sa bata,kakalabitin at pasimleng aakbayan pagkatapos ay hihilahin ang damit sa liksd patayo.
GARDO:
Magkanu binigay sa’yo?
GARDO:
Ayusin mo!
SCENE VII : SA ISANG TABI.GABI.
CUT-IN-SHOT:
Makikita ang mga paa ng mga ibat- ibang taong dumaraan,habang si Xander ay nakaupo dito at nakalagay sa sahig ang lata.
Cut to:
MEDIUM SHOT:
Binibilang ni Xander ang lahat ng perang kanyang napalimusan
SCENE VIII: SA BAHAY. GABI.
LONG SHOT:
Habang umiinum si Gardo,lasing at hinihintay ang kanyang mga kapatid.Pumasok ang kanyang mga kapatid
GARDO
Maupo ka…. Magkanung kinita nyo?
XANDER:
Apat na piso po…
GARDO:
Ito lang… maghapun kayong wala dito..tapos ito lang ? Niloloko nyo ba ako…. Sagot!
( kinapitan sa baba at iiling )
Mga walang kwenta…eh kulang pa to pambili ng ulam ko..anung mabibili ko dito? Hala pumunta kayo kay aling meding..ipangutang nyo ko…bilis..wag nyong kalimutan yung pulutan ko ..maliwanag?!,pusyang buhay to..o,o,
Cut to:
CLOSE-UP SHOT:
( uminum ulit ng alak..)
SCENE IX: SA TULAY.UMAGA.
WIDE SHOT:
Naglalakad ng pakanta-kanta si luz,habang may nakasabit na lata sa kanyang maayos pang damit..
CUT TO;
MEDIUM WIDE SHOT:
Nagising si Gardo na masakit ang ulo. Habang kinukurap ang kanyang mga mata naagaw ang kanyang pansin ng babae sa tulay…mula sa kanyang kinauupuan.
Napatigil ang babae sa gitna ng tulay.. wala sa sariling pumatong ito sa taas at nagtatawa-tawa.
Biglang naalis ang kalasingan ni Gardo.. dali-dali siyang tumakbo.
GARDO:
Shit…baliw ba ang babaeng yun…
LUZ:
La,la,la,la,hmmmmmm,….heheheee. I am the queen of the world!
( habang nakadipa ang braso )
GARDO:
Na…..( matatawag sana niyang nanay ang babae,,,,), hoy..baba,lagot ka nanjan na ang pulis ….PULIS,PULIS…( kunwari ay tinatawag nya ang pulis upang hulihun ito…)
Dali-daling bumaba ang baliw na babae,,,
Cut to:
MEDIUM CLOSE-UP OR OVER THE SHOULDER SHOT:
LUZ:
( DUMILA) Bad!
Cut to :
LONG SHOT:
Nagtatakbo ng paalis ang baliw na baabae..sya naman ay naiwang nailing…
SCENE X.EXTENSION.TINDAHAN.GABI
WIDE SHOT:
Lumabas si Gardo para bumili.
LUZ
Honey ko…..bakit ngayon ka lang?, namimis ka nan i baby…
Pagakain ulit ito…?Yeheey!
(Nagtatalon maya-maya,mapapatigil)
Kita mo na baby ko? Alam mo ang sama kong ina……
(nagsimulang umiyak… ..maya-maya tatawa)
Kasi iniwan ko lang ang baby ko pag,katapos ko siyang ipanganak….Hehehe……
Aalis na si Gardo, pansamantalang mapapatulala sa mukha ng babaeng wala sa katinuan.Iiling at hihinga ng malalim(slow motion) pagkatapos ay tuloy-tuloy aalis.
Naiwang tumatawa si Luz.
SCENE X1 . DAAN. HAPON
EXTREME WIDE SHOT:
Pauwi na galing sa pagtuturo si Annie.. Dumaan sa isang tindahan at bumili ng isang supot ng biskwit.Tumawid ng kalsada at diretsong tinungo ang kinaroroonan ng dalawang bata.
ANNIE
Mga bata o, heto paghatian nyo yan ha?
(Nakatawang inabot sa mga ito ang supot)
Huwag kayong mag-aaway..Kung hindi magagalit ako?
(Kunwari’y pagalit niyang sinabi sa mga ito)
MGA BATA
Miss Ganda, ang bait nyo talaga..Bukas ulit ha?
SCENE X11. JEEP. HAPON
EXTREME WIDE SHOT:
Magkatabing nakaupo si Gardo at si Annie.Balak na sanang nakawin ang cellphone ni Annie pero napatigil siya.
Cut to:
MEDIUM SHOT:
Minasdan niyang mabuti ang mukha nito at siya’y nabighani
Cut to:
EXTREME WIDE SHOT:
Bigla-bigla ay nagpreno ng malakas ang drayber.Napasubsob siya sa balikat ng babae.
Cut to:
TWO SHOTS/ OVER THE SHOULDER SHOTS:
GARDO
Naku…pasensya na Miss…
ANNIE,
Okay lang, hindi mo naman sinasadya…
SCENE X111. INTERIOR. HIDE OUT. GABI
MEDIUM SHOT:
Nakaupo sa may bintana si Gardo. Malalim na nag-iisip..Iniisip ang babaeng kanyang nakatabi sa Jeep.
Cut to:
EXTREME WIDE SHOT:
Pumasok ang kanyang kapatid galing sa pamamalimos.Lalapit kay Gardo.
Cut to:
MEDIUM SHOT/OVER THE SHOULDER SHOT:
MGA BATA
Kuya Gardo, heto na po yong perang napalimusan namin.
GARDO
Ilagay mo na lang diyan..kumain na rin kayo..Pagkatapos linisin ninyo.ayoko ng makalat na maiiwan..
(Napatango ang mga batang nagtataka dahil sa kakaibang inakto ng kuya Gardo nila)
SCENE X1V. TABI NG BINTANA. HATING GABI
CLOSE UP SHOT/ MEDIUM CLOSE UP SHOT:
Nag balik tanaw si Gardo kung bakit niya ginagawa ang pagnanakaw.
(FLASHBACK)
Hirap na hirap sa panganganak si Luz.Kinaumagahan tulala siyang naglalakad sa kalye, sout pa ang damit na may dugo pa.
Cut to:
MEDIUM SHOT/ CLOSE-UP SHOT/REACTION SHOT:
Tumutulo ang kanyang luha sa kanyang mga mata.Maya-maya ay naalala niya ang hayop na lalaking gumahasa sa kanya habang isang gabing pauwi siya galing paaralan.(15 taong gulang siya noon).
Cut to:
EXTERME WIDE SHOT:
Nagtatakbo ng walang katapusan si Luz. Nawala na sa katinuan.
SCENE XV INTERIOR. BAHAY. UMAGA
MEDIUM SHOT/ OVER THE SHOULDER:
Naiwang umiiyak ang batang ipinanganak ni Luz.Pumasok ang babaeng nagpaanak at natagpuan na wala na si Luz doon.
SCENE XV1 SA LAMESA. MADALING ARAW
MEDIUM SHOT/ POINT OF VIEW:
Nagising mula sa isang panaginip si Gardo. Napatulala at pawisan habang humihingal.
Cut to:
WIDE SHOT:
Naglakad siya palabas ng pintuan ngunit kikita rin niya ang kanyang dalawang kapatid na nakapamaluktot na nakahiga sa baldosa. Ang isa ay nanginginig ngunit hindi napapansin ni Gardo.
Cut to:
MEDIUM SHOT:
Nagsindi ng sigarilyo si Gardo, tense na tense at nanginginig pa ang kamay.
SCENE XV11. INTERIOR. BAHAY. UMAGA
TWO SHOTS:
BATA
Kikoy…….!
(Nagulat ng magisingan/ namulatan ang katabing bata na naginginig at inaapoy ng lagnat)
Kuya Gardo……Kuya…. Si kikoy po inaapoy ng lagnat!
(Hinipo niya ang noon ng bata)
GARDO
Dali Xander kumuha ka ng bimpo….ibabad mo sa tubig pagkatapos ilagay mo sa noo niya.Punasan mo rin ang katawan niya..Kumotan mo rin siya….Bilis……
Cut to:
EXTREME WIDE SHOT:
Hinalwat niya ang lagayan ng pera ngunit matatagpuang iilang pisuhin na lang
pala ang napalimusan ng mga bata kagabi.Hindi sapat upang maibili ng gamot si kikoy.
OVER THE SHOULDER SHOT:
BATA
Kuya…… si kikoy po….. ano pong nangyayari sa kanya?
(nang tumirik ang mata nito…)
Cut to:
MEDIUM SHOT:
GARDO
Xander…..kahit anong mangyari….bantayan nyo si Kikoy.Gagawa ako ng paraan.
(Mabilis siyang tumakbo palabas)
SCENE XV111.SA PALENGKE.TANGHALI.
Nagpalinga-linga si Gardo.Gulong-gulo ang isip at hindi malaman ang gagawin.
Cut to:
CUT- IN- SHOT:
Titingnan niya ang natatanging PISO na nasa kanyang palad. Ikinuyom niya ang kanyang mga palad.
Cut to:
EXTREME WIDE SHOT:
Nakakita siya ng ale na naglalakad.Hinablot niya ang bag at nagtatakbo.
ALE
Magnanakaw!!!!!Magnanakaw!!!!!, ibalik mo ang bag ko!!Tulungan niyo ako.
(SLOW MOTION ANG PAGTAKBO)
Makikita niya si Annie na matamang nakatitig sa kanya.Alam niya na nasaksihan nito ang lahat ng nangyari.
Cut to:
CLOSE-UP SHOT:
Mapapalunok siya……..gagalaw ang mata…….nalilito……
Cut to:
MEDIUM SHOT( Speed-Up)
Mahigpit niyang kapit ang bag.At tila nagdesisyon na siyang talikuran ang nararamdaman at harapin kung ano man ang mangyayari sa kanya.
Cut to:
WIDE SHOT:
Sa kanyang pagliko sa eskinita, nahuli siya ng mga pulis at wala na siyang malusutan. Tila tumigil ang panahon ng oras na iyon.
SCENE X1X.SA PALENGKE.TANGHALI.
MEDIUM WIDE SHOT:
Humahangos na tumatakbo si Xander upang maghanap ng tulong na madala sa ospital ang kanyang kapatid. Nakita niya si Annie at kanyang nilapitan.
XANDER:
Ate tulungan mo po ang kapatid ko parang awa mo na po.
(habang hinihila ang kamay patungo sa bahay kung saan andoon ang kanyang kapatid na may sakit.)
SCENE XX.SA KULUNGAN.INT.ARAW.
WIDE SHOT:
Nakakapit siya sa rehas, nakatulala.habang nakikitang papalapit sa kanya ang kanyang inang si Luz na naging dahilan ng kanyang pagkabigla. Sa kanyang kamay, unti-unti niyang nabibitiwan ang natatanging barya na kanyang hawak.
Cut to:
CUT –IN- SHOT:
Magkakalansing ang pera at gugulong patungo sa nakaguhit na cross.
Dimanpot ni Luz ang baryang nahulog mula sa kanyang anak na si Gardo.
Cut to:
WIDE SHOT:
Ahhh…. singko….honey ko ohh…..
THE END